وَنَزَعۡنَا مِن كُلِّ أُمَّةࣲ شَهِيدࣰا فَقُلۡنَا هَاتُواْ بُرۡهَٰنَكُمۡ فَعَلِمُوٓاْ أَنَّ ٱلۡحَقَّ لِلَّهِ وَضَلَّ عَنۡهُم مَّا كَانُواْ يَفۡتَرُونَ ٧٥
Al-Qasas 28:75
سورة القصص
Meccan
Verse: 75/88
Page 394
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Huhugot Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi at magsasabi Kami: "Magbigay kayo ng patotoo ninyo," at malalaman nila na ang katotohanan ay kay Allāh. Mawawala sa kanila ang dati nilang ginagawa-gawa. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Maglalahad Kami mula sa bawat kalipunan ng propeta nito na sasaksi laban dito dahil sa taglay nito noon na kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling. Magsasabi Kami sa mga tagapagpasinungaling kabilang sa mga kalipunang iyon: "Magbigay kayo ng mga katwiran ninyo at mga patunay ninyo sa taglay ninyong kawalang-pananampalataya at pagpapasinungaling," at mapuputol ang mga katwiran nila at matitiyak nila na ang katotohanang walang pasubali hinggil dito ay kay Allāh. Malilingid sa kanila ang dati nilang nilikha-likha na mga katambal sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya.
Al-Qasas 28:75
Loading the recitation…
0:00