إِنَّمَا حَرَّمَ عَلَيۡكُمُ ٱلۡمَيۡتَةَ وَٱلدَّمَ وَلَحۡمَ ٱلۡخِنزِيرِ وَمَآ أُهِلَّ لِغَيۡرِ ٱللَّهِ بِهِۦۖ فَمَنِ ٱضۡطُرَّ غَيۡرَ بَاغࣲ وَلَا عَادࣲ فَإِنَّ ٱللَّهَ غَفُورࣱ رَّحِيمࣱ ١١٥
An-Nahl 16:115
سورة النحل
Meccan
Verse: 115/128
Page 280
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ipinagbawal Niya lamang sa inyo ang namatay, ang dugo, ang laman ng baboy, at ang anumang inialay sa iba pa kay Allāh, ngunit ang sinumang napilitan, nang hindi naghahangad ni lumalampas, tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ipinagbawal ni Allāh sa inyo mula sa mga nakakain ang anumang namatay nang walang pagkatay na kabilang sa nakakatay, ang ibinubong dugo, ang laman ng baboy sa lahat ng mga bahagi nito, at ang anumang kinatay ng tagapagkatay nito bilang alay sa iba pa kay Allāh. Ang pagbabawal na ito ay tanging sa kalagayang makapipili. Ngunit ang sinumang pinilit ng kagipitan sa pagkain ng mga nabanggit kaya nakakain siya mula sa mga ito nang walang pagkaibig sa ipinagbabawal mismo at hindi naman siya lumalampas sa hangganan ng pangangailangan, walang kasalanan sa kanya sapagkat si Allāh ay Mapagpatawad na nagpapatawad sa kanya sa kinain niya, Maawain sa kanya nang pumayag Ito sa kanya niyon sa sandali ng kagipitan.
An-Nahl 16:115
Loading the recitation…
0:00