ٱلَّذِينَ تَتَوَفَّىٰهُمُ ٱلۡمَلَٰٓئِكَةُ ظَالِمِيٓ أَنفُسِهِمۡۖ فَأَلۡقَوُاْ ٱلسَّلَمَ مَا كُنَّا نَعۡمَلُ مِن سُوٓءِۭۚ بَلَىٰٓۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلِيمُۢ بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ٢٨
An-Nahl 16:28
سورة النحل
Meccan
Verse: 28/128
Page 270
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
na mga nagpapapanaw sa kanila ang mga anghel habang mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila." Kaya mag-uukol sila ng pagsuko, [na nagsasabi]: "Hindi kami noon gumagawa ng anumang kasagwaan." Bagkus tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang ginagawa ninyo noon. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Na mga kukunin ng Anghel ng Kamatayan at mga katulong nitong mga anghel ang mga kaluluwa nila habang sila ay mga nasasangkot sa paglabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya kay Allāh." Kaya magpapaakay sila habang mga sumusuko sa bumaba sa kanila na kamatayan. Ikakaila nila ang anumang taglay nila noon na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway dala ng pag-aakala mula sa kanila na ang pagkakaila ay magpapakinabang sa kanila kaya sasabihin sa kanila: "Nagsinungaling kayo. Kayo nga noon ay mga tagatangging sumampalataya na gumagawa ng mga pagsuway. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang ginagawa ninyo noon sa Mundo. Walang naikukubli sa Kanya na anuman kabilang doon. Gaganti siya sa inyo dahil doon."
An-Nahl 16:28
Loading the recitation…
0:00