وَلِلَّهِ غَيۡبُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَمَآ أَمۡرُ ٱلسَّاعَةِ إِلَّا كَلَمۡحِ ٱلۡبَصَرِ أَوۡ هُوَ أَقۡرَبُۚ إِنَّ ٱللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءࣲ قَدِيرࣱ ٧٧
An-Nahl 16:77
سورة النحل
Meccan
Verse: 77/128
Page 275
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ukol kay Allāh ang [kaalaman sa] Lingid sa mga langit at lupa. Walang iba ang lagay ng Huling Sandali kundi gaya ng bilis ng sulyap ng paningin o higit na malapit. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ukol kay Allāh ang kaalaman sa anumang nakalingid sa mga langit at ang kaalaman sa anumang nakalingid sa lupa sapagkat Siya ay ang natatangi sa kaalaman niyon nang walang isa mang kasama mula sa nilikha Niya. Walang iba ang lagay ng Araw ng Pagbangon, na kabilang sa mga lingid na natatangi sa Kanya, sa bilis ng pagdating nito kapag ninais Niya kundi tulad ng isang pagpinid ng talukap ng mata at pagbukas nito, bagkus higit na mabilis kaysa roon. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: hindi Siya napanghihina ng anuman. Kapag nagnais Siya ng isang bagay ay nagsasabi Siya rito ng "Mangyari" at mangyayari.
An-Nahl 16:77
Loading the recitation…
0:00