فَلَمَّا جَآءَ سُلَيۡمَٰنَ قَالَ أَتُمِدُّونَنِ بِمَالࣲ فَمَآ ءَاتَىٰنِۦَ ٱللَّهُ خَيۡرࣱ مِّمَّآ ءَاتَىٰكُمۚ بَلۡ أَنتُم بِهَدِيَّتِكُمۡ تَفۡرَحُونَ ٣٦
An-Naml 27:36
سورة النمل
Meccan
Verse: 36/93
Page 380
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya noong dumating sila kay Solomon ay nagsabi siya: "Nagkakaloob ba kayo sa akin ng yaman ngunit ang ibinigay sa akin ni Allāh ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay Niya sa inyo? Bagkus kayo sa regalo ninyo ay natutuwa. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kaya noong dumating ang sugo ng reyna at ang kasama rito na mga katulong nito na nagdadala ng regalo kay Solomon, minasama sa kanila ni Solomon ang pagpapadala ng regalo habang nagsasabi: "Nagkakaloob ba kayo sa akin ng mga yaman upang mailihis ninyo ako palayo sa inyo? Ngunit ang ibinigay sa akin ni Allāh na pagkapropeta, paghahari, at yaman ay higit na mabuti kaysa sa ibinigay Niya sa inyo. Bagkus kayo ang natutuwa sa iniregalo sa inyo mula sa latak ng Mundo.
An-Naml 27:36
Loading the recitation…
0:00