أَمَّن جَعَلَ ٱلۡأَرۡضَ قَرَارࣰا وَجَعَلَ خِلَٰلَهَآ أَنۡهَٰرࣰا وَجَعَلَ لَهَا رَوَٰسِيَ وَجَعَلَ بَيۡنَ ٱلۡبَحۡرَيۡنِ حَاجِزًاۗ أَءِلَٰهࣱ مَّعَ ٱللَّهِۚ بَلۡ أَكۡثَرُهُمۡ لَا يَعۡلَمُونَ ٦١
An-Naml 27:61
سورة النمل
Meccan
Verse: 61/93
Page 382
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O ang naglagay ba sa lupa ng isang pamamalagian, naglalagay sa gitna nito ng mga ilog, naglagay para rito ng mga matatag na bundok, at naglagay sa pagitan ng dalawang dagat ng isang harang ay isang diyos bang kasama kay Allāh? Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
O ang gumawa ba sa lupa bilang isang pinamamalagiang matatag na hindi umaalog sa sinumang nasa ibabaw nito, gumawa sa loob nito ng mga ilog na dumadaloy, gumawa para rito ng mga bundok na matatag, at gumawa sa pagitan ng dalawang dagat: ang maalat at ang tabang, ng isang tagapaghiwalay na pumipigil sa pagkakahalo ng maalat sa tabang upang hindi makasira nito para hindi umangkop para sa pag-inom, ay isang sinasamba bang gumawa nito kasama kay Allāh? Bagkus ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam. Kung sakaling sila noon ay nakaaalam, talaga sanang hindi sila nagtambal kay Allāh ng isa man kabilang sa mga nilikha Niya.
An-Naml 27:61
Loading the recitation…
0:00