وَقُلِ ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ سَيُرِيكُمۡ ءَايَٰتِهِۦ فَتَعۡرِفُونَهَاۚ وَمَا رَبُّكَ بِغَٰفِلٍ عَمَّا تَعۡمَلُونَ ٩٣
An-Naml 27:93
سورة النمل
Meccan
Verse: 93/93
Page 385
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh. Magpapakita Siya sa inyo ng mga tanda Niya, at makakikilala kayo sa mga ito. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sabihin mo, O Sugo: "Ang papuri ay ukol kay Allāh dahil sa mga biyaya Niyang hindi nabibilang. Magpapakita sa inyo si Allāh ng mga tanda Niya sa mga sarili ninyo sa langit at lupa, at ng panustos. Makakikilala kayo sa mga ito ayon sa pagkakilalang papatnubay sa inyo tungo sa pagpapasakop sa katotohanan. Ang Panginoon mo ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo, bagkus Siya ay nakatatalos doon: walang naikukubli sa Kanya mula roon na anuman, at gaganti Siya sa inyo dahil doon."
An-Naml 27:93
Loading the recitation…
0:00