تِلۡكَ حُدُودُ ٱللَّهِۚ وَمَن يُطِعِ ٱللَّهَ وَرَسُولَهُۥ يُدۡخِلۡهُ جَنَّٰتࣲ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَاۚ وَذَٰلِكَ ٱلۡفَوۡزُ ٱلۡعَظِيمُ ١٣
An-Nisa' 4:13
سورة النساء
Medinan
Verse: 13/176
Page 79
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Iyon ay ang mga hangganan ni Allāh. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya ay magpapapasok Siya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito. Iyon ang pagkatamong sukdulan. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Iyon ang mga patakarang nabanggit hinggil sa nauukol sa mga ulila at iba pa sa kanila at ang mga batas ni Allāh na isinabatas Niya para sa mga lingkod Niya upang isagawa nila. Ang sinumang tumatalima kay Allāh at sa Sugo Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos nito at pag-iwas sa mga sinasaway nito ay magpapapasok si Allāh sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito ang mga ilog bilang mga mamamalagi sa mga ito: hindi magpaparanas sa kanila ng pagkalipol. Ang ganting makadiyos na iyon ay ang tagumpay na sukdulan na hindi nakahahawig ng [ibang] tagumpay.
An-Nisa' 4:13
Loading the recitation…
0:00