وَيَقُولُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ لَوۡلَآ أُنزِلَ عَلَيۡهِ ءَايَةࣱ مِّن رَّبِّهِۦۚ قُلۡ إِنَّ ٱللَّهَ يُضِلُّ مَن يَشَآءُ وَيَهۡدِيٓ إِلَيۡهِ مَنۡ أَنَابَ ٢٧
Ar-Ra'd 13:27
سورة الرعد
Medinan
Verse: 27/43
Page 252
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya: "Bakit kaya hindi nagbaba sa kanya ng isang tanda mula sa Panginoon niya?" Sabihin mo: "Tunay na si Allāh ay nagpapaligaw sa sinumang niloloob Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya sa sinumang nanumbalik: -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagsasabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga tanda Niya: "Bakit nga hindi nagbaba kay Muḥammad ng isang tandang pisikal mula sa Panginoon niya na nagpapatunay sa katapatan niya para sumampalataya kami sa kanya?" Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagmungkahing ito: "Tunay na si Allāh ay nagpapaligaw sa sinumang niloloob Niya ayon sa katarungan Niya at nagpapatnubay tungo sa Kanya sa sinumang bumalik sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabalik-loob ayon sa kagandahang-loob Niya. Ang kapatnubayan ay hindi nasa mga kamay nila upang itali nila ito sa pagpapababa ng mga tanda."
Ar-Ra'd 13:27
Loading the recitation…
0:00