وَهُوَ ٱلَّذِي يَبۡدَؤُاْ ٱلۡخَلۡقَ ثُمَّ يُعِيدُهُۥ وَهُوَ أَهۡوَنُ عَلَيۡهِۚ وَلَهُ ٱلۡمَثَلُ ٱلۡأَعۡلَىٰ فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۚ وَهُوَ ٱلۡعَزِيزُ ٱلۡحَكِيمُ ٢٧
ArRoom 30:27
سورة الروم
Meccan
Verse: 27/60
Page 407
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Siya ang nagsimula sa paglikha, pagkatapos ay mag-uulit Siya nito. Ito ay higit na madali sa Kanya. Taglay Niya ang katangiang pinakamataas sa mga langit at lupa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Marunong. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ang nagsimula sa paglikha ayon sa walang pagkakatulad na nauna, pagkatapos ay mag-uulit Siya nito matapos ng paglipol dito. Ang pag-uulit ay higit na madali kaysa sa pagsisimula. Kapwa ito madali sa Kanya dahil Siya, kapag nagnais ng anuman, ay nagsasabi rito ng: "Mangyari" at nangyayari naman ito. Taglay Niya -kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan - ang paglalarawang pinakamataas sa bawat ipinanlalarawan sa Kanya na mga katangian ng kapitaganan at kalubusan.Siya ay ang Makapangyarihang hindi nadadaig, ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya.
ArRoom 30:27
Loading the recitation…
0:00