فَـَٔاتِ ذَا ٱلۡقُرۡبَىٰ حَقَّهُۥ وَٱلۡمِسۡكِينَ وَٱبۡنَ ٱلسَّبِيلِۚ ذَٰلِكَ خَيۡرࣱ لِّلَّذِينَ يُرِيدُونَ وَجۡهَ ٱللَّهِۖ وَأُوْلَٰٓئِكَ هُمُ ٱلۡمُفۡلِحُونَ ٣٨
ArRoom 30:38
سورة الروم
Meccan
Verse: 38/60
Page 408
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya magbigay ka sa kaanak ng karapatan nito, sa dukha, at sa kinapos sa landas. Iyon ay higit na mabuti para sa mga nagnanais [ng kasiyahan] ng mukha ni Allāh. Ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kaya magbigay ka, o Muslim, sa may kaugnayang pangkaanak ng nagigindapat niya na pagpapakabuti at ugnayang pangkaanak. Magbigay ka sa nangangailangan ng tutugon sa pangangailangan niya. Magbigay ka sa estranghero na kinapos sa landas malayo sa bayan niya. Ang pagbibigay na iyon ayon sa mga uring iyon ay higit na mabuti para sa mga nagnanais [ng kasiyahan] ng mukha ni Allāh. Ang mga nagkakaloob ng tulong at mga karapatang ito ay ang mga magwawagi dahil sa pagtamo nila ng hinihiling nila mula sa paraiso at dahil sa pagkaligtas nila laban sa anumang pinangingilabutan nila na pagdurusa.
ArRoom 30:38
Loading the recitation…
0:00