فَإِن تَابُواْ وَأَقَامُواْ ٱلصَّلَوٰةَ وَءَاتَوُاْ ٱلزَّكَوٰةَ فَإِخۡوَٰنُكُمۡ فِي ٱلدِّينِۗ وَنُفَصِّلُ ٱلۡأٓيَٰتِ لِقَوۡمࣲ يَعۡلَمُونَ ١١
At-Taubah 9:11
سورة التوبة
Medinan
Verse: 11/129
Page 188
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ngunit kung nagbalik-loob sila, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh, mga kapatid ninyo sila sa relihiyon. Masusing ipinaliliwanag Namin ang mga tanda para sa mga taong umaalam. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ngunit kung nagbalik-loob sila kay Allāh mula sa kawalang-pananampalataya nila, bumigkas sila ng Dalawang Pagsaksi, nagpanatili sila ng pagdarasal, at nagbigay sila ng zakāh ng mga yaman nila, sila ay naging mga Muslim at mga kapatid ninyo sa relihiyon. Ukol sa kanila ang ukol sa inyo at kailangan sa kanila ang kailangan sa inyo. Hindi ipinahihintulot sa inyo ang pakikipaglaban sa kanila sapagkat ang pagyakap nila sa Islām ay nangangalaga sa mga buhay nila, mga ari-arian nila, at mga dangal nila. Nililinaw ni Allāh ang mga tanda at ipinaliliwanag ang mga ito para sa mga taong umaalam kaya naman nakikinabang sila sa mga ito at nagpapakinabang sila sa pamamagitan ng mga ito sa iba pa sa kanila.
At-Taubah 9:11
Loading the recitation…
0:00