إِنَّ ٱللَّهَ لَهُۥ مُلۡكُ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ يُحۡيِۦ وَيُمِيتُۚ وَمَا لَكُم مِّن دُونِ ٱللَّهِ مِن وَلِيࣲّ وَلَا نَصِيرࣲ ١١٦
At-Taubah 9:116
سورة التوبة
Medinan
Verse: 116/129
Page 205
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tunay na si Allāh ay nagtataglay ng paghahari sa mga langit at lupa. Nagbibigay Siya ng buhay at bumabawi Siya ng buhay. Hindi kayo magkakaroon bukod pa kay Allāh ng isang katangkilik ni isang mapag-adya. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Tunay na si Allāh ay nagtataglay ng paghahari sa mga langit at paghahari sa lupa. Walang katambal sa Kanya sa mga ito. Walang naikukubli sa Kanya sa mga ito na isang maikukubli. Nagbibigay Siya ng buhay sa sinumang niloob Niyang bigyan ng buhay at bumabawi Siya ng buhay sa sinumang niloob Niyang bawian ng buhay. Hindi kayo, O mga tao, magkakaroon ng iba pa kay Allāh ng tatangkilik sa mga kapakanan ninyo at hindi kayo magkakaroon ng isang mapag-adyang magtutulak palayo sa inyo ng kasagwaan at mag-aadya sa inyo laban sa kaaway ninyo.
At-Taubah 9:116
Loading the recitation…
0:00