قَٰتِلُوهُمۡ يُعَذِّبۡهُمُ ٱللَّهُ بِأَيۡدِيكُمۡ وَيُخۡزِهِمۡ وَيَنصُرۡكُمۡ عَلَيۡهِمۡ وَيَشۡفِ صُدُورَ قَوۡمࣲ مُّؤۡمِنِينَ ١٤
At-Taubah 9:14
سورة التوبة
Medinan
Verse: 14/129
Page 189
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Makipaglaban kayo sa kanila, magpaparusa sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng mga kamay ninyo, magpapahiya Siya sa kanila, mag-aadya Siya sa inyo laban sa kanila, magpapagaling Siya sa mga dibdib ng mga taong mananampalataya, -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Makipaglaban kayo, O mga mananampalataya, sa mga tagapagtambal sapagkat tunay na kung makikipaglaban kayo sa kanila ay pagdurusahin sila ni Allāh sa mga kamay ninyo. Iyon ay sa pamamagitan ng pagpaslang ninyo sa kanila. Manghahamak Siya sa kanila sa pamamagitan ng pagkatalo at pagkabihag. Magpapawagi Siya sa inyo laban sa kanila sa pamamagitan ng pagtatalaga ng pananaig sa inyo. Magpapagaling Siya sa sakit ng mga dibdib ng mga taong mananampalatayang hindi nakasaksi sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng nangyari sa kaaway nila na pagkapaslang, pagkabihag, pagkatalo, at pagpapawagi sa mga mananampalataya laban sa mga iyon.
At-Taubah 9:14
Loading the recitation…
0:00