فَٱعۡبُدُواْ مَا شِئۡتُم مِّن دُونِهِۦۗ قُلۡ إِنَّ ٱلۡخَٰسِرِينَ ٱلَّذِينَ خَسِرُوٓاْ أَنفُسَهُمۡ وَأَهۡلِيهِمۡ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۗ أَلَا ذَٰلِكَ هُوَ ٱلۡخُسۡرَانُ ٱلۡمُبِينُ ١٥
Az-Zumar 39:15
سورة الزمر
Meccan
Verse: 15/75
Page 460
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya sumamba kayo sa anumang niloob ninyo bukod pa sa Kanya." Sabihin mo: "Tunay na ang mga lugi ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon." Pansinin, iyon ay ang pagkaluging malinaw. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kaya sumamba kayo mismo, O mga tagatambal, sa anumang niloob ninyo bukod pa sa Kanya kabilang sa mga anito." (Ang pag-uutos ay para sa pagbabanta)." Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ang mga lugi nang totohanan ay ang mga nagpalugi sa mga sarili nila at nagpalugi sa mga mag-anak nila sa Araw ng Pagbangon sapagkat hindi sila makikipagkita sa mga ito dahil sa pagkakahiwalay nila sa mga ito dahil sa pamumukod-tangi nila sa pagpasok sa Hardin o sa pagpasok nila kasama sa mga ito sa Apoy, kaya naman hindi sila magkikita magpakailanman. Pansinin, iyon sa totoo ay ang pagkaluging maliwanag na walang pagkalito hinggil doon.
Az-Zumar 39:15
Loading the recitation…
0:00