أَفَمَن يَتَّقِي بِوَجۡهِهِۦ سُوٓءَ ٱلۡعَذَابِ يَوۡمَ ٱلۡقِيَٰمَةِۚ وَقِيلَ لِلظَّٰلِمِينَ ذُوقُواْ مَا كُنتُمۡ تَكۡسِبُونَ ٢٤
Az-Zumar 39:24
سورة الزمر
Meccan
Verse: 24/75
Page 461
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya ba ang sinumang umiilag sa pamamagitan ng mukha niya sa kasagwaan ng pagdurusa sa Araw ng Pagbangon [ay gaya ng iba]? Sasabihin sa mga tagalabag sa katarungan: "Lumasap kayo ng dati ninyong kinakamit." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagkakapantay ba itong pinatnubayan ni Allāh, itinuon Niya habang nasa Mundo, at pinapasok Niya sa Hardin sa Kabilang-buhay, at ang sinumang tumangging sumampalataya at namatay sa kawalang-pananampalataya nito kaya pinapasok Niya ito sa Apoy na nakagapos ang mga kamay at ang mga paa, na hindi nakakakayang umilag sa apoy malibang sa pamamagitan ng mukha nitong nakasubsob ito roon? Sasabihin sa mga tagalabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway bilang panunumbat: "Lumasap kayo ng dati ninyong kinakamit na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway sapagkat ito ay ang ganti sa inyo."
Az-Zumar 39:24
Loading the recitation…
0:00