۞ فَمَنۡ أَظۡلَمُ مِمَّن كَذَبَ عَلَى ٱللَّهِ وَكَذَّبَ بِٱلصِّدۡقِ إِذۡ جَآءَهُۥٓۚ أَلَيۡسَ فِي جَهَنَّمَ مَثۡوࣰى لِّلۡكَٰفِرِينَ ٣٢
Az-Zumar 39:32
سورة الزمر
Meccan
Verse: 32/75
Page 462
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya sino ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagsinungaling laban kay Allāh at nagpasinungaling sa katapatan noong dumating ito sa kanya? Hindi ba sa Impiyerno ay may tuluyan para sa mga tagatangging sumampalataya? -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa kanya na nag-ugnay kay Allāh ng hindi nababagay sa Kanya gaya ng katambal, asawa, at anak; at walang isang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa kanya na nagpasinungaling sa kasi na dinala ng Sugo ni Allāh - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan. Hindi ba sa Apoy ay may kanlungan at tirahan para sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa dinala ng Sugo Niya? Oo; tunay na ukol sa kanila ay kanlungan at tirahan doon.
Az-Zumar 39:32
Loading the recitation…
0:00