وَٱللَّهُ يَقۡضِي بِٱلۡحَقِّۖ وَٱلَّذِينَ يَدۡعُونَ مِن دُونِهِۦ لَا يَقۡضُونَ بِشَيۡءٍۗ إِنَّ ٱللَّهَ هُوَ ٱلسَّمِيعُ ٱلۡبَصِيرُ ٢٠
Ghafir 40:20
سورة غافر
Meccan
Verse: 20/85
Page 469
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Si Allāh ay humuhusga ayon sa katotohanan samantalang ang mga dinadalanginan nila bukod pa sa Kanya ay hindi humuhusga ayon sa anuman. Tunay na si Allāh ay ang Madinigin, ang Nakakikita. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Si Allāh ay humahatol ayon sa katarungan sapagkat hindi Siya lumalabag sa katarungan sa isa man sa pamamagitan ng pagbawas sa mga magandang gawa nito ni sa pagdaragdag sa mga masagwang gawa nito samantalang ang mga sinasamba ng mga tagatambal bukod pa kay Allāh ay hindi humahatol ayon sa anuman dahil ang mga ito ay hindi nagmamay-ari ng anuman. Tunay na si Allāh ay ang Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, ang Nakakikita sa mga layunin nila at mga gawain nila. Gaganti Siya sa kanila sa mga ito.
Ghafir 40:20
Loading the recitation…
0:00