مَنۡ عَمِلَ سَيِّئَةࣰ فَلَا يُجۡزَىٰٓ إِلَّا مِثۡلَهَاۖ وَمَنۡ عَمِلَ صَٰلِحࣰا مِّن ذَكَرٍ أَوۡ أُنثَىٰ وَهُوَ مُؤۡمِنࣱ فَأُوْلَٰٓئِكَ يَدۡخُلُونَ ٱلۡجَنَّةَ يُرۡزَقُونَ فِيهَا بِغَيۡرِ حِسَابࣲ ٤٠
Ghafir 40:40
سورة غافر
Meccan
Verse: 40/85
Page 471
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawa ay hindi gagantihan maliban ng tulad nito. Ang sinumang gumawa ng maayos, na lalaki man o babae habang siya ay isang mananampalataya, ang mga iyon ay papasok sa Hardin, na tutustusan doon nang walang pagtutuos. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ang sinumang gumawa ng isang masagwang gawain ay hindi parurusahan maliban ng tulad sa ginawa niya at hindi magdaragdag sa kanya ng parusa. Ang sinumang gumawa ng maayos na gawain, na naghahangad roon ng kasiyahan ni Allāh, lalaki man ang gumagawa o babae habang siya ay isang mananampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya, ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang kapuri-puring iyon ay papasok sa Hardin sa Araw ng Pagbangon. Magtutustos sa kanila si Allāh mula sa inilagak Niya roon na mga bunga at ginhawang mananatiling hindi mapuputol magpakailanman nang walang pagtutuos.
Ghafir 40:40
Loading the recitation…
0:00