فَلَا تَكُ فِي مِرۡيَةࣲ مِّمَّا يَعۡبُدُ هَٰٓؤُلَآءِۚ مَا يَعۡبُدُونَ إِلَّا كَمَا يَعۡبُدُ ءَابَآؤُهُم مِّن قَبۡلُۚ وَإِنَّا لَمُوَفُّوهُمۡ نَصِيبَهُمۡ غَيۡرَ مَنقُوصࣲ ١٠٩
Hood 11:109
سورة هود
Meccan
Verse: 109/123
Page 234
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalinlangan hinggil sa sinasamba ng mga ito. Hindi sila sumasamba kundi kung paanong sumasamba ang mga ninuno nila noong una pa. Tunay na Kami ay talagang magtutumbas sa kanila ng bahagi nila nang hindi kinukulangan. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kaya huwag ka, O Sugo, maging nasa isang pag-aalinlangan at isang pagdududa sa kabulukan ng sinasamba ng mga tagapagtambal na ito sapagkat wala silang patunay na pangkaisipan at pambatas sa katumpakan nito. Ang nagbubuyo sa kanila sa pagsamba sa iba pa kay Allāh ay ang paggaya lamang sa mga ninuno nila. Hindi sila sumasamba kundi kung paanong sumasamba ang mga ninuno nila noong una pa. Tunay na Kami ay talagang maglulubos sa kanila ng bahagi nila mula sa pagdurusa nang walang pagkukulang.
Hood 11:109
Loading the recitation…
0:00