وَيَٰقَوۡمِ ٱسۡتَغۡفِرُواْ رَبَّكُمۡ ثُمَّ تُوبُوٓاْ إِلَيۡهِ يُرۡسِلِ ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡكُم مِّدۡرَارࣰا وَيَزِدۡكُمۡ قُوَّةً إِلَىٰ قُوَّتِكُمۡ وَلَا تَتَوَلَّوۡاْ مُجۡرِمِينَ ٥٢
Hood 11:52
سورة هود
Meccan
Verse: 52/123
Page 227
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
O mga kalipi ko, humingi kayo ng kapatawaran sa Panginoon ninyo, pagkatapos ay magbalik-loob kayo sa Kanya, magpapadala Siya sa langit sa ibabaw ninyo ng masaganang [ulan] at magdaragdag Siya sa inyo ng lakas sa [dating] lakas ninyo. Huwag kayong tumalikod bilang mga salarin. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
O mga kalipi ko, humiling kayo ng kapatawaran mula kay Allāh, pagkatapos ay magbalik-loob kayo sa Kanya mula sa mga pagkakasala ninyo - at ang pinakamalaki sa mga ito ay ang shirk - maggagantimpala Siya sa inyo roon sa pamamagitan ng pagpapababa ng maraming ulan at magdaragdag Siya sa inyo ng kapangyarihan sa [dating] kapangyarihan ninyo sa pamamagitan ng pagpaparami sa mga supling at mga yaman. Huwag kayong umayaw sa ipinaaanyaya ko sa inyo para kayo maging mga salarin dahil sa pag-ayaw ninyo sa paanyaya ko, sa kawalang-pananampalataya ninyo kay Allāh, at pagpapasinungaling ninyo sa inihatid ko.
Hood 11:52
Loading the recitation…
0:00