وَإِن جَٰهَدَاكَ عَلَىٰٓ أَن تُشۡرِكَ بِي مَا لَيۡسَ لَكَ بِهِۦ عِلۡمࣱ فَلَا تُطِعۡهُمَاۖ وَصَاحِبۡهُمَا فِي ٱلدُّنۡيَا مَعۡرُوفࣰاۖ وَٱتَّبِعۡ سَبِيلَ مَنۡ أَنَابَ إِلَيَّۚ ثُمَّ إِلَيَّ مَرۡجِعُكُمۡ فَأُنَبِّئُكُم بِمَا كُنتُمۡ تَعۡمَلُونَ ١٥
Luqman 31:15
سورة لقمان
Meccan
Verse: 15/34
Page 412
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kung nagpunyagi silang dalawa sa iyo na magtambal ka sa Akin ng wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa nakabubuti. Sumunod ka sa landas ng nagsisi sa Akin. Pagkatapos ay sa Akin ang panunumbalikan ninyo at magbabalita Ako sa inyo ng anumang dati ninyong ginagawa. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kung gumawa ang mga magulang ng pagsisikap upang magbunsod sa iyo na magtambal ka kay Allāh ng iba pa sa Kanya dala ng pagdodomina mula sa kanilang dalawa ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa roon dahil walang pagtalima sa isang nilikha kapalit ng pagsuway sa Tagapaglikha. Makisama ka sa kanilang dalawa sa Mundo ayon sa pagpapakabuti, pagpapanatili ng ugnayan, at paggawa ng maganda. Sumunod ka sa daan ng nagsisi sa Akin ayon sa paniniwala sa kaisahan Ko at pagtalima. Pagkatapos ay sa Akin - tanging sa Akin - sa Araw ng Pagbangon ang panunumbalikan ninyo sa kalahatan at magbabalita AKo sa inyo ng anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo na gawain at gaganti Ako sa inyo dahil doon.
Luqman 31:15
Loading the recitation…
0:00