ذَٰلِكَ بِأَنَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ ٱتَّبَعُواْ ٱلۡبَٰطِلَ وَأَنَّ ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ ٱتَّبَعُواْ ٱلۡحَقَّ مِن رَّبِّهِمۡۚ كَذَٰلِكَ يَضۡرِبُ ٱللَّهُ لِلنَّاسِ أَمۡثَٰلَهُمۡ ٣
Muhammad 47:3
سورة محمد
Medinan
Verse: 3/38
Page 507
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Iyon ay dahil sa ang mga tumangging sumampalataya ay sumunod sa kabulaanan at ang mga sumampalataya naman ay sumunod sa katotohanan mula sa Panginoon nila. Gayon gumagawa si Allāh para sa mga tao ng mga paghahalimbawa sa kanila. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ang ganting nabanggit na iyon para sa dalawang pangkat ay dahilan sa ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh ay sumunod sa kabulaanan at ang mga sumampalataya naman kay Allāh at sa Sugo Niya ay sumunod sa katotohanan mula sa Panginoon nila. Kaya nagkaiba ang ganti sa dalawa dahil sa pagkakaiba ng pagsisikap ng dalawa. Gaya ng paglilinaw ni Allāh ng kahatulan Niya sa dalawang pangkat: ang pangkat ng mga mananampalataya at ang pangkat ng mga tagatangging sumampalataya, gumagawa si Allāh para sa mga tao ng mga paghahalimbawa sa kanila kaya inuugnay Niya ang katapat sa katapat nito.
Muhammad 47:3
Loading the recitation…
0:00