وَمَا كَانَ لَهُۥ عَلَيۡهِم مِّن سُلۡطَٰنٍ إِلَّا لِنَعۡلَمَ مَن يُؤۡمِنُ بِٱلۡأٓخِرَةِ مِمَّنۡ هُوَ مِنۡهَا فِي شَكࣲّۗ وَرَبُّكَ عَلَىٰ كُلِّ شَيۡءٍ حَفِيظࣱ ٢١
Saba' 34:21
سورة سبأ
Meccan
Verse: 21/54
Page 430
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi nagkaroon sa kanya laban sa kanila ng anumang kapamahalaan malibang upang magtangi Kami sa sinumang sumasampalataya sa Kabilang-buhay mula sa sinumang hinggil doon ay nasa isang pagdududa. Ang Panginoon mo sa bawat bagay ay Mapag-ingat. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Hindi nagkaroon kay Satanas laban sa kanila ng anumang kapamahalaang ipanlulupig sa kanila para maligaw sila. Siya noon ay nang-aakit sa kanila at nagpapalisya sa kanila, ngunit Kami ay nagpahintulot sa kanya sa pagpapalisya sa kanila upang magtangi Kami sa sinumang sumasampalataya sa Kabilang-buhay at anumang naroon na ganti, mula sa sinumang hinggil sa Kabilang-buhay ay nasa isang pagdududa. Ang Panginoon mo, O Sugo, sa bawat bagay ay Mapag-ingat, na nag-iingat sa mga gawain ng mga lingkod Niya at gaganti sa kanila sa mga ito.
Saba' 34:21
Loading the recitation…
0:00