۞ قُلۡ مَن يَرۡزُقُكُم مِّنَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضِۖ قُلِ ٱللَّهُۖ وَإِنَّآ أَوۡ إِيَّاكُمۡ لَعَلَىٰ هُدًى أَوۡ فِي ضَلَٰلࣲ مُّبِينࣲ ٢٤
Saba' 34:24
سورة سبأ
Meccan
Verse: 24/54
Page 431
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo: "Sino ang tumutustos sa inyo mula sa mga langit at lupa?" Sabihin mo: "Si Allāh. Tunay na kami at kayo ay talagang nasa isang patnubay o nasa isang pagkaligaw na malinaw." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatambal na ito: "Sino ang tumutustos sa inyo mula sa mga langit sa pamamagitan ng pagpapababa ng ulan at mula sa lupa sa pamamagitan ng pagpapatubo ng mga bunga, mga pananim, at mga prutas?" Sabihin mo: "Si Allāh ay ang tumutustos sa inyo mula sa mga iyon. Tunay na kami at kayo, O mga tagatambal, ay talagang nasa isang kapatnubayan o nasa isang pagkaligaw na maliwanag palayo sa daan at ang isa sa atin ay walang pasubaling gayon. Walang duda na ang mga alagad ng patnubay ay ang mga mananampalataya at ang mga alagad ng pagkaligaw ay ang mga tagatambal."
Saba' 34:24
Loading the recitation…
0:00