قُلۡ إِن ضَلَلۡتُ فَإِنَّمَآ أَضِلُّ عَلَىٰ نَفۡسِيۖ وَإِنِ ٱهۡتَدَيۡتُ فَبِمَا يُوحِيٓ إِلَيَّ رَبِّيٓۚ إِنَّهُۥ سَمِيعࣱ قَرِيبࣱ ٥٠
Saba' 34:50
سورة سبأ
Meccan
Verse: 50/54
Page 434
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo: "Kung naligaw ako ay maliligaw lamang ako laban sa sarili ko. Kung napatnubayan ako ay dahil sa ikinakasi sa akin ng Panginoon ko. Tunay na Siya ay Madinigin, Malapit." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatambal na tagapasinungaling na ito: "Kung naligaw ako palayo sa katotohanan kaugnay sa ipinaaabot ko sa inyo, ang pinsala ng pagkaligaw ko ay limitado sa akin: walang aabot sa inyo mula rito na anuman. Kung napatnubayan ako roon ay dahilan sa ikinakasi sa akin ng Panginoon ko - kaluwalhatian sa Kanya. Tunay na Siya ay Madinigin sa mga sinasabi ng mga lingkod Niya, Malapit: hindi imposible sa Kanya ang marinig ang sinasabi ko."
Saba' 34:50
Loading the recitation…
0:00