فَأَكَلَا مِنۡهَا فَبَدَتۡ لَهُمَا سَوۡءَٰتُهُمَا وَطَفِقَا يَخۡصِفَانِ عَلَيۡهِمَا مِن وَرَقِ ٱلۡجَنَّةِۚ وَعَصَىٰٓ ءَادَمُ رَبَّهُۥ فَغَوَىٰ ١٢١
TaHa 20:121
سورة طه
Meccan
Verse: 121/135
Page 320
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya kumain silang dalawa mula roon, kaya lumitaw sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa. Nagsimula silang dalawa na nagtatakip sa kanilang dalawa ng mga dahon ng Hardin. Sumuway si Adan sa Panginoon niya kaya nalisya siya. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kaya kumain sina Adan at Eva mula sa punong-kahoy na sinaway silang kumain mula roon. Kaya lumitaw sa kanilang dalawa ang kahubaran nilang dalawa matapos na ito dati ay natatakpan. Nag-umpisa silang dalawa na pumitas ng mga dahon ng punong-kahoy ng Hardin at ipinantatakip nilang dalawa ang mga ito sa kahubaran nila. Sumalungat si Adan sa utos ng Panginoon nito yayamang hindi ito sumunod sa ipinag-uutos Niya na pag-iwas sa pagkain mula sa punong-kahoy sapagkat lumampas ito patungo sa hindi pinapayagan.
TaHa 20:121
Loading the recitation…
0:00