أَكَانَ لِلنَّاسِ عَجَبًا أَنۡ أَوۡحَيۡنَآ إِلَىٰ رَجُلࣲ مِّنۡهُمۡ أَنۡ أَنذِرِ ٱلنَّاسَ وَبَشِّرِ ٱلَّذِينَ ءَامَنُوٓاْ أَنَّ لَهُمۡ قَدَمَ صِدۡقٍ عِندَ رَبِّهِمۡۗ قَالَ ٱلۡكَٰفِرُونَ إِنَّ هَٰذَا لَسَٰحِرࣱ مُّبِينٌ ٢
Yunus 10:2
سورة يونس
Meccan
Verse: 2/109
Page 208
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang mga tao ba ay may pagtataka na nagsiwalat Kami sa isang lalaking kabilang sa kanila [na nagsasabi]: "Magbabala ka sa mga tao at magbalita ka ng nakalulugod sa mga sumampalataya na ukol sa kanila ay pangunguna sa karangalan sa ganang Panginoon nila"? Nagsabi naman ang mga tagatangging sumampalataya: "Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na malinaw." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Motibo ba para sa mga tao sa pagtataka na nagbaba si Allāh ng pagsisiwalat sa isang lalaking kabilang sa lahi nila habang nag-uutos na magbabala sa kanila laban sa pagdurusa mula sa Kanya? Magpabatid ka, O Sugo, sa mga sumampalataya kay Allāh ng magpapatuwa sa kanila, na ukol sa kanila ay tahanang mataas bilang ganti sa ipinagpauna nilang gawang maayos sa ganang Panginoon nila - napakamaluwalhati Niya. Nagsabi naman ang mga tagatangging sumampalataya: "Tunay na itong lalaking naghatid ng mga talatang ito ay talagang isang manggagaway na hayag ang panggagaway."
Yunus 10:2
Loading the recitation…
0:00