قُل لَّآ أَمۡلِكُ لِنَفۡسِي ضَرࣰّا وَلَا نَفۡعًا إِلَّا مَا شَآءَ ٱللَّهُۗ لِكُلِّ أُمَّةٍ أَجَلٌۚ إِذَا جَآءَ أَجَلُهُمۡ فَلَا يَسۡتَـٔۡخِرُونَ سَاعَةࣰ وَلَا يَسۡتَقۡدِمُونَ ٤٩
Yunus 10:49
سورة يونس
Meccan
Verse: 49/109
Page 214
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo: "Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng isang pinsala ni isang pakinabang maliban sa niloob ni Allāh. Bawat kalipunan ay may taning. Kapag dumating ang taning nila ay hindi sila makapagpapahuli ng isang oras at hindi sila makapagpapauna." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Hindi ako nakapagdudulot para sa sarili ko ng isang pinsalang ipamiminsala ko rito o ipantatanggol ko rito ni isang pakinabang na ipakikinabang ko rito. Kaya papaano na sa pamamagitan ng pagpapakinabang ng iba sa akin o ng pamiminsala nito, maliban sa niloob ni Allāh mula roon? Kaya papaanong ukol sa akin na malaman ko ang Lingid Niya? Bawat kalipunan kabilang sa mga kalipunang nagbanta si Allāh ng isang kapahamakan ay may panahong itinakda sa kapahamakan nito, na walang nakaaalam kundi si Allāh. Kaya kapag dumating ang panahon ng kapahamakan nito ay hindi maihuhuli rito ang anumang oras at hindi maiuuna."
Yunus 10:49
Loading the recitation…
0:00