قَالُواْ ٱتَّخَذَ ٱللَّهُ وَلَدࣰاۗ سُبۡحَٰنَهُۥۖ هُوَ ٱلۡغَنِيُّۖ لَهُۥ مَا فِي ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَمَا فِي ٱلۡأَرۡضِۚ إِنۡ عِندَكُم مِّن سُلۡطَٰنِۭ بِهَٰذَآۚ أَتَقُولُونَ عَلَى ٱللَّهِ مَا لَا تَعۡلَمُونَ ٦٨
Yunus 10:68
سورة يونس
Meccan
Verse: 68/109
Page 216
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Nagsabi sila: "Gumawa si Allāh ng anak." Napakamaluwalhati Niya! Siya ay ang Walang-pangangailangan. Sa Kanya ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Wala kayong taglay na patunay rito. Nagsasabi ba kayo laban kay Allāh ng hindi ninyo nalalaman? -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Nagsabi ang isang pangkat kabilang sa mga tagapagtambal: "Gumawa si Allāh sa mga anghel bilang mga anak na babae." Pagkabanal-banal ni Allāh para sa sinasabi nila sapagkat Siya - napakamaluwalhati Niya - ay ang Walang-pangangailangan sa lahat ng mga nilikha Niya. Sa Kanya ang paghahari sa anumang nasa mga langit at ang paghahari sa anumang nasa lupa. Wala kayong taglay, O mga tagapagtambal, na patotoo sa sabi ninyong ito. Nagsasabi ba kayo laban kay Allāh ng isang salitang mabigat - yayamang nag-uugnay kayo sa Kanya ng anak - na hindi ninyo nalalaman ang katotohanan niyon nang walang patotoo?
Yunus 10:68
Loading the recitation…
0:00