وَلَا تَكُونَنَّ مِنَ ٱلَّذِينَ كَذَّبُواْ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ فَتَكُونَ مِنَ ٱلۡخَٰسِرِينَ ٩٥
Yunus 10:95
سورة يونس
Meccan
Verse: 95/109
Page 219
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagpasinungaling sa mga tanda ni Allāh sapagkat magiging kabilang ka sa mga nalulugi. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Huwag ka ngang maging kabilang sa mga nagpasinungaling sa mga katwiran ni Allāh at mga patotoo Niya sapagkat dahil doon ay magiging kabilang ka sa mga naluluging nagpalugi sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila. Ang lahat ng pagbibigay-babalang ito ay para sa paglilinaw sa panganib ng pagdududa at pagpapasinungaling. Gayon pa man ang Propeta ay napangalagaan laban sa pamumutawi mula sa kanya ng anuman kabilang dito.
Yunus 10:95
Loading the recitation…
0:00