ﯰ
ترجمة معاني سورة الملك
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج)
.
من تأليف:
مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام
.
ﰡ
Napakamapagpala Siya na nasa kamay Niya ang paghahari, at Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan,
na lumikha sa kamatayan at buhay upang sumubok Siya sa inyo kung alin sa inyo ang pinakamaganda sa gawa. Siya ay ang Makapangyarihan, ang Mapagpatawad,
na lumikha sa pitong langit na nakapatung-patong. Hindi ka makakikita sa pagkakalikha ng Napakamaawain ng anumang pagtataliwasan. Kaya magpanumbalik ka ng paningin, nakikita ka ba ng mga bitak?
Pagkatapos ay magpanumbalik ka ng paningin nang makalawang ulit, babalik sa iyo ang paningin mo na hamak samantalang ito ay pagal.
Talaga ngang gumayak Kami sa langit na pinakamababa ng mga lampara at gumawa Kami sa mga iyon na mga pambato sa mga demonyo. Naglaan Kami para sa kanila ng pagdurusa sa Liyab.
At ukol sa mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila ang pagdurusa sa Impiyerno. Kay saklap ang kahahantungan!
Kapag itinapon sila roon ay makaririnig sila ng isang singhal habang ito ay kumukulo.
Halos nagkakapira-piraso iyon sa ngitngit. Tuwing nakapagtapon sa loob niyon ng isang pulutong ay magtatanong sa kanila ang mga tanod niyon: "Wala bang pumunta sa inyo na isang tagapagbabala?"
Magsasabi sila: "Oo, may pumunta nga sa amin na isang tagapagbabala ngunit nagpasinungaling kami at nagsabi kami: Hindi nagbaba si Allāh ng anuman; walang iba kayo kundi nasa isang pagkaligaw na malaki."
At magsasabi sila: "Kung sakaling kami noon ay nakikinig o nakapag-iisip, hindi sana kami naging mga naninirahan sa Liyab!"
Kaya aamin sila ng pagkakasala nila, kaya pagkalayu-layo ay ukol sa mga maninirahan sa Liyab!
Tunay na ang mga natatakot sa Panginoon nila nang lingid, ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang gantimpalang malaki.
At maglihim kayo ng sinabi ninyo o maghayag kayo nito, tunay na Siya ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib.
Hindi ba nakaaalam ang lumikha samantalang Siya ay ang Nakatatalos, ang Nakababatid?
Siya ay ang gumawa para sa inyo ng lupa na [maging] maamo, kaya maglakad kayo sa mga dako nito at kumain kayo mula sa panustos Niya. Tungo sa Kanya ang pagbubuhay.
Natiwasay ba kayo sa Kanya na nasa langit na magpalamon Siya sa inyo sa lupa at biglang ito ay mayayanig?
O natiwasay kayo sa Kanya na nasa langit na magpadala Siya sa inyo ng isang unos ng mga bato, kaya makaaalam kayo kung papaano ang pagbabala Ko?
Talaga ngang nagpasinungaling ang mga kabilang sa nauna sa kanila, kaya papaano naging ang pagtutol Ko?
Hindi ba sila nakakita sa mga ibon sa ibabaw nila na mga nakabuka at nagtitiklop [ng mga pakpak]? Walang pumipigil sa mga iyon kundi ang Napakamaawain. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Nakakikita.
O sino itong isang hukbo para sa inyo na mag-aadya sa inyo bukod pa sa Napakamaawain? Walang iba ang mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkalinlang.
O sino itong magtutustos sa inyo kung pumigil Siya sa panustos Niya? Bagkus nagmatigas sila sa pagpapakapalalo at pagkainis.
Kaya ang naglalakad ba na nakasubsob sa mukha niya ay higit na napatnubayan o ang naglalakad na nakatindig sa isang landasing tuwid?
Sabihin mo: "Siya ang nagpaluwal sa inyo at gumawa para sa inyo ng pandinig, mga paningin, at mga puso. Kay dalang kayong nagpapasalamat!"
Sabihin mo: "Siya ang lumalang sa inyo sa lupa at tungo sa Kanya titipunin kayo."
Magsasabi sila: "Kailan ang pangakong ito kung kayo ay mga tapat?"
Sabihin mo: "Ang kaalaman ay nasa ganang kay Allāh lamang at ako ay isang tagapagbabalang malinaw lamang."
Ngunit kapag nakakita sila nito sa kalapitan ay sasagwa ang mga mukha ng mga tumangging sumampalataya at sasabihin: "Ito ang dati ninyong pinananawagan."
Sabihin mo: "Nakabatid ba kayo kung nagpasawi sa akin si Allāh at sa sinumang kasama sa akin o naawa Siya sa amin, sino ang magsasanggalang sa mga tagatangging sumampalataya laban sa isang pagdurusang masakit?"
Sabihin mo: "Siya ay ang Napakamaawain; sumampalataya kami sa Kanya at sa Kanya kami nanalig. Kaya makaaalam kayo kung sino ang nasa isang pagkaligaw na malinaw.
Sabihin mo: "Nakabatid ba kayo kung ang tubig ninyo ay naging lubog, sino ang maghahatid sa inyo ng isang tubig na umaagos?"