ﰃ
surah.translation
.
من تأليف:
مركز رواد الترجمة بالتعاون مع موقع دار الإسلام
.
ﰡ
ﭑﭒ
ﰀ
Sumpa man sa langit at sa tagapunta sa gabi.
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang tagapunta sa gabi?
ﭙﭚ
ﰂ
[Ito] ang bituing tumatagos.
Bawat kaluluwa para rito lamang ay may isang tagapag-ingat.
Kaya tumingin ang tao mula sa ano siya nilikha.
Nilikha siya mula sa isang likidong pumupulandit,
na lumabas mula sa pagitan ng gulugod at mga tadyang.
Tunay na Siya, sa pagpapanumbalik dito, ay talagang Nakakakaya.
Sa Araw na sisiyasatin ang mga lihim,
wala siyang anumang lakas ni tagaadya.
Sumpa man sa langit na may pagpapanumbalik
at sa lupa na may bitak,
tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang isang sinabing pambukod,
at ito ay hindi ang biru-biro.
Tunay na sila ay nagpapakana ng pakana,
ﮗﮘ
ﰏ
at nagpapakana naman Ako ng pakana.
Kaya mag-anta-antabay ka sa mga tagatangging sumampalataya; mag-antabay ka sa kanila nang hinay-hinay.