Kaya kapag natapos ang pagdarasal ay magsikalat kayo sa lupain, maghangad kayo ng kabutihang-loob ni Allāh, at mag-alaala kayo kay Allāh nang madalas nang sa gayon kayo ay magtatagumpay.
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya kapag winakasan ninyo ang pagdarasal sa araw ng Biyernes ay magsikalat kayo sa lupain sa paghahanap ng kitang ipinahihintulot at ng pagtugon sa mga pangangailangan ninyo, maghanap kayo ng kabutihang-loob ni Allāh sa pamamagitan ng kitang ipinahihintulot at tubong ipinahihintulot, at mag-alaala kayo nang madalas na pag-alaala kay Allāh sa sandali ng paghahanap ninyo ng panustos, at huwag magpalimot sa inyo sa pag-alaala kay Allāh ang paghahanap ninyo ng panustos sa pag-asa sa pagtatamo ng naiibigan ninyo at pagkaligtas mula sa pinangingilabutan ninyo.
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم