د الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم څخه په الفلبينية کې د الفيل سورې ژباړه
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
الناشر
مركز تفسير للدراسات القرآنية
Verse 1
Hindi mo ba nalaman, O Sugo, kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo kay Abrahah at sa mga kasamahan niyang mga kasamahan ng elepante nang nagnais silang gumiba sa Ka`bah?
Verse 2
ﮕﮖﮗﮘﮙ
ﮚ
Talaga nga gumawa si Allāh sa pagpapanukala nilang masagwa para sa paggiba ng Ka`bah na mauwi sa pagkasayang sapagkat hindi sila nagkamit ng minithi nilang pagpapabaling sa mga tao palayo sa Ka`bah at hindi sila nagkamit mula roon ng anuman.
Verse 3
ﮛﮜﮝﮞ
ﮟ
Nagpadala Siya sa kanila ng mga ibon na dumating sa kanila ng pangkat-pangkat,
Verse 4
ﮠﮡﮢﮣ
ﮤ
na nagpupukol sa kanila ng mga batong mula sa luwad na nagsabato.
Verse 5
ﮥﮦﮧ
ﮨ
Kaya gumawa sa kanila si Allāh gaya ng mga dahon ng pananim na kinain ng mga hayop at tinapakan ng mga ito.
تقدم القراءة