ضُرِبَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلذِّلَّةُ أَيۡنَ مَا ثُقِفُوٓاْ إِلَّا بِحَبۡلࣲ مِّنَ ٱللَّهِ وَحَبۡلࣲ مِّنَ ٱلنَّاسِ وَبَآءُو بِغَضَبࣲ مِّنَ ٱللَّهِ وَضُرِبَتۡ عَلَيۡهِمُ ٱلۡمَسۡكَنَةُۚ ذَٰلِكَ بِأَنَّهُمۡ كَانُواْ يَكۡفُرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ وَيَقۡتُلُونَ ٱلۡأَنۢبِيَآءَ بِغَيۡرِ حَقࣲّۚ ذَٰلِكَ بِمَا عَصَواْ وَّكَانُواْ يَعۡتَدُونَ ١١٢
Al-Imran 3:112
سورة آل عمران
Medinan
Verse: 112/200
Page 64
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Itinatak sa kanila ang kaabahan saanman sila nasumpungan malibang nasa isang kasunduan mula kay Allāh at isang kasunduan mula sa mga tao. Bumalik sila na may galit mula kay Allāh at itinatak sa kanila ang karukhaan. Iyon ay dahil sila noon ay tumatangging sumampalataya sa mga tanda ni Allāh at pumapatay sa mga propeta nang walang karapatan. Iyon ay dahil sumuway sila at sila noon ay lumalabag. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Inilagay ang kalaitan at ang kaabahan na nakapaligid sa mga Hudyo, na sumasaklaw sa kanila saanman sila matagpuan kaya hindi sila natitiwasay malibang may isang tipan o isang katiwasayan mula kay Allāh - pagkataas-taas Siya - o mula sa mga tao. Nanumbalik sila na may galit mula kay Allāh at inilagay sa kanila ang karalitaan at ang kadahupan na nakapaligid sa kanila. Ang inilagay na iyon sa kanila ay dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa mga tanda ni Allāh at pagpatay nila sa mga propeta Niya dala ng kawalang-katarungan. Iyon - din - ay dahilan sa pagsuway nila at paglampas nila sa mga hangganan ni Allāh.
Al-Imran 3:112
Loading the recitation…
0:00