وَلِيَعۡلَمَ ٱلَّذِينَ نَافَقُواْۚ وَقِيلَ لَهُمۡ تَعَالَوۡاْ قَٰتِلُواْ فِي سَبِيلِ ٱللَّهِ أَوِ ٱدۡفَعُواْۖ قَالُواْ لَوۡ نَعۡلَمُ قِتَالࣰا لَّٱتَّبَعۡنَٰكُمۡۗ هُمۡ لِلۡكُفۡرِ يَوۡمَئِذٍ أَقۡرَبُ مِنۡهُمۡ لِلۡإِيمَٰنِۚ يَقُولُونَ بِأَفۡوَٰهِهِم مَّا لَيۡسَ فِي قُلُوبِهِمۡۚ وَٱللَّهُ أَعۡلَمُ بِمَا يَكۡتُمُونَ ١٦٧
Al-Imran 3:167
سورة آل عمران
Medinan
Verse: 167/200
Page 72
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
at upang maghayag Siya sa mga nagpaimbabaw. Sinabi sa kanila: "Halikayo, makipaglaban kayo ayon sa landas ni Allāh o magtanggol kayo." Nagsabi sila: "Kung sakaling nalalaman naming may labanan ay talaga sanang sumunod kami sa inyo." Sila para sa kawalang-pananampalataya sa araw na iyon ay higit na malapit kaysa sa kanila para sa pananampalataya. Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga bibig nila ng wala sa mga puso nila. Si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang itinatago nila. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
at upang lumitaw ang mga mapagpaimbabaw, na noong sinabi sa kanila: "Makipaglaban kayo sa landas ni Allāh o magtanggol kayo sa pamamagitan ng pagpaparami ninyo sa masa ng mga Muslim" ay nagsabi sila: "Kung sakaling nalalaman naming may mangyayaring labanan ay talaga sanang sumunod kami sa inyo subalit hindi namin nakikita na may mangyayaring labanan sa pagitan ninyo at ng ibang mga tao. Sila sa kalagayan nila sa sandaling iyon ay higit na malapit sa nagpapatunay sa kawalang-pananampalataya nila kaysa sa nagpapatunay sa pananampalataya nila. Nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga dila nila ng wala sa mga puso nila. Si Allāh ay higit na nakaaalam sa anumang kinikimkim nila sa mga dibdib nila, at magpaparusa sa kanila dahil doon.
Al-Imran 3:167
Loading the recitation…
0:00