Al-Imran 3:199

سورة آل عمران

Medinan Verse: 199/200 Page 76

وَإِنَّ مِنۡ أَهۡلِ ٱلۡكِتَٰبِ لَمَن يُؤۡمِنُ بِٱللَّهِ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡكُمۡ وَمَآ أُنزِلَ إِلَيۡهِمۡ خَٰشِعِينَ لِلَّهِ لَا يَشۡتَرُونَ بِـَٔايَٰتِ ٱللَّهِ ثَمَنࣰا قَلِيلًاۚ أُوْلَٰٓئِكَ لَهُمۡ أَجۡرُهُمۡ عِندَ رَبِّهِمۡۗ إِنَّ ٱللَّهَ سَرِيعُ ٱلۡحِسَابِ ١٩٩

  1. Tagalog translation

    الترجمة الفلبينية (تجالوج)

    Tunay na mayroon sa mga May Kasulatan na talagang sumasampalataya kay Allāh at sa pinababa sa inyo at sa pinababa sa kanila, na mga nagpapakumbaba kay Allāh. Hindi sila nagtitinda sa mga talata ni Allāh sa kaunting halaga. Ang mga iyon, ukol sa kanila ang pabuya sa kanila sa ganang Panginoon nila. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos.
  2. Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran

    الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم

    Translation of an abridged tafsir

    Ang mga May Kasulatan ay hindi magkatulad sapagkat tunay na kabilang sa kanila ay isang pangkat na sumasampalataya kay Allāh at sa pinababa sa inyo na katotohanan at patnubay, at sumasampalataya sa pinababa sa kanila sa mga kasulatan nila habang hindi nagtatangi-tangi sa pagitan ng mga sugo ni Allāh habang mga nagpapasailalim at mga nagpapakaaba kay Allāh dala ng pagkaibig sa anumang nasa Kanya. Hindi sila nagpapalit sa mga talata ni Allāh sa kaunting halaga na pagtatamasa sa Mundo. Ang mga inilalarawang iyon sa mga katangiang ito ay ukol sa kanila ang dakilang gantimpala nila sa ganang Panginoon nila. Tunay na si Allāh ay mabilis ang pagtutuos sa mga gawain, mabilis ang pagganti sa mga ito.

Read the whole surah Arabic tafsir