لَٰكِنِ ٱلَّذِينَ ٱتَّقَوۡاْ رَبَّهُمۡ لَهُمۡ جَنَّٰتࣱ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهَا ٱلۡأَنۡهَٰرُ خَٰلِدِينَ فِيهَا نُزُلࣰا مِّنۡ عِندِ ٱللَّهِۗ وَمَا عِندَ ٱللَّهِ خَيۡرࣱ لِّلۡأَبۡرَارِ ١٩٨
Al-Imran 3:198
سورة آل عمران
Medinan
Verse: 198/200
Page 76
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Subalit ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito bilang tuluyan mula sa ganang kay Allāh. Ang anumang nasa ganang kay Allāh ay higit na mabuti para sa mga nagpapakabuti. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Subalit ang mga nangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, ukol sa kanila ay mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman bilang ganting inihanda para sa kanila mula sa ganang kay Allāh - pagkataas-taas Siya. Ang anumang inihanda ni Allāh para sa mga maayos kabilang sa mga lingkod Niya ay higit na mabuti at higit na mainam kaysa sa anumang gumagala-gala dahil doon ang mga tagatangging sumampalataya na mga minamasarap sa Mundo.
Al-Imran 3:198
Loading the recitation…
0:00