وَيَوۡمَ يُعۡرَضُ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ عَلَى ٱلنَّارِ أَذۡهَبۡتُمۡ طَيِّبَٰتِكُمۡ فِي حَيَاتِكُمُ ٱلدُّنۡيَا وَٱسۡتَمۡتَعۡتُم بِهَا فَٱلۡيَوۡمَ تُجۡزَوۡنَ عَذَابَ ٱلۡهُونِ بِمَا كُنتُمۡ تَسۡتَكۡبِرُونَ فِي ٱلۡأَرۡضِ بِغَيۡرِ ٱلۡحَقِّ وَبِمَا كُنتُمۡ تَفۡسُقُونَ ٢٠
Al-Ahqaf 46:20
سورة الأحقاف
Meccan
Verse: 20/35
Page 504
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sa araw na isasalang ang mga tumangging sumampalataya sa Apoy [ay sasabihin]: "Nag-alis kayo ng mga kaaya-aya ninyo sa buhay ninyong pangmundo at nagtamasa kayo sa rito. Kaya ngayong araw ay gagantihan kayo ng pagdurusa ng pagkahamak dahil kayo noon ay nagmamalaki sa lupa nang walang karapatan at dahil kayo noon ay nagpapakasuwail." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sa araw na isasalang sa Apoy ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga sugo Niya upang pagdusahin doon at sasabihin sa kanila bilang paninisi sa kanila at panunumbat: "Nag-alis kayo ng mga kaaya-aya ninyo sa buhay ninyong pangmundo at nagtamasa kayo rito ng mga minamasarap. Kaya tungkol naman sa araw na ito, gagantihan kayo ng pagdurusa na hahamak sa inyo at mang-aaba sa inyo dahilan sa pagpapakamalaki ninyo sa lupa nang walang karapatan at dahilan sa paglabas ninyo sa pagtalima kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya at mga pagsuway."
Al-Ahqaf 46:20
Loading the recitation…
0:00