وَلَمَّا رَءَا ٱلۡمُؤۡمِنُونَ ٱلۡأَحۡزَابَ قَالُواْ هَٰذَا مَا وَعَدَنَا ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥ وَصَدَقَ ٱللَّهُ وَرَسُولُهُۥۚ وَمَا زَادَهُمۡ إِلَّآ إِيمَٰنࣰا وَتَسۡلِيمࣰا ٢٢
AlAhzab 33:22
سورة الأحزاب
Medinan
Verse: 22/73
Page 420
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Noong nakita ng mga mananampalataya ang mga lapian ay nagsabi sila: "Ito ay ang ipinangako sa atin ni Allāh at ng Sugo Niya at nagpakatapat si Allāh at ang Sugo Niya." Walang naidagdag sa kanila ito kundi pananampalataya at pagsuko. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Noong napagmasdan ng mga mananampalataya ang mga lapiang nagtitipon para sa pakikipaglaban sa kanila ay nagsabi sila: "Ito ay ang ipinangako sa atin ni Allāh at ng Sugo Niya na pagsubok, mga ligalig, at pagwawagi. Nagpakatapat si Allāh at ang Sugo Niya hinggil dito sapagkat nagkatotoo ito." Walang naidagdag sa kanila ang pagkamasid nila sa mga lapian kundi pananampalataya kay Allāh at pagpapaakay sa Kanya.
AlAhzab 33:22
Loading the recitation…
0:00