مِّنَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ رِجَالࣱ صَدَقُواْ مَا عَٰهَدُواْ ٱللَّهَ عَلَيۡهِۖ فَمِنۡهُم مَّن قَضَىٰ نَحۡبَهُۥ وَمِنۡهُم مَّن يَنتَظِرُۖ وَمَا بَدَّلُواْ تَبۡدِيلࣰا ٢٣
AlAhzab 33:23
سورة الأحزاب
Medinan
Verse: 23/73
Page 421
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking nagpakatapat sa ipinangako nila kay Allāh sapagkat mayroon sa kanila na tumupad sa panata niya at mayroon sa kanila na naghihintay pa. Hindi sila nagpalit [sa pangako] ng isang pagpapalit, -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Mayroon sa mga mananampalataya na mga lalaking nagpakatapat kay Allāh kaya tumupad sila sa ipinangako nila sa Kanya na pagpapakatatag at pagtitiis sa pakikibaka sa landas ni Allāh sapagkat mayroon sa kanila na namatay o napatay sa landas ni Allāh at mayroon sa kanila na naghihintay pa ng pagkamartir sa landas Niya. Hindi nagpabago [sa pangako] ang mga mananampalatayang ito ng ipinangako nila kay Allāh tulad ng ginawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga pangako ng mga iyon.
AlAhzab 33:23
Loading the recitation…
0:00