إِنَّ ٱلۡمُسۡلِمِينَ وَٱلۡمُسۡلِمَٰتِ وَٱلۡمُؤۡمِنِينَ وَٱلۡمُؤۡمِنَٰتِ وَٱلۡقَٰنِتِينَ وَٱلۡقَٰنِتَٰتِ وَٱلصَّٰدِقِينَ وَٱلصَّٰدِقَٰتِ وَٱلصَّٰبِرِينَ وَٱلصَّٰبِرَٰتِ وَٱلۡخَٰشِعِينَ وَٱلۡخَٰشِعَٰتِ وَٱلۡمُتَصَدِّقِينَ وَٱلۡمُتَصَدِّقَٰتِ وَٱلصَّٰٓئِمِينَ وَٱلصَّٰٓئِمَٰتِ وَٱلۡحَٰفِظِينَ فُرُوجَهُمۡ وَٱلۡحَٰفِظَٰتِ وَٱلذَّٰكِرِينَ ٱللَّهَ كَثِيرࣰا وَٱلذَّٰكِرَٰتِ أَعَدَّ ٱللَّهُ لَهُم مَّغۡفِرَةࣰ وَأَجۡرًا عَظِيمࣰا ٣٥
AlAhzab 33:35
سورة الأحزاب
Medinan
Verse: 35/73
Page 422
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tunay na ang mga lalaking Muslim at ang mga babaing Muslim, ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya, ang mga lalaking masunurin at ang mga babaing masunurin, ang mga lalaking tapat at ang mga babaing tapat, ang mga lalaking nagtitiis at ang mga babaing nagtitiis, ang mga lalaking nagpapakumbaba at ang mga babaing nagpapakumbaba, ang mga lalaking nagkakawanggawa at ang mga babaing nagkakawanggawa, ang mga lalaking nag-aayuno at ang mga babaing nag-aayuno, ang mga lalaking nag-iingat sa mga ari nila at ang mga babaing nag-iingat sa mga ari nila, at ang mga lalaking nag-aalaala kay Allāh nang madalas at ang mga babaing nag-aalaala ay naghanda si Allāh para sa kanila ng kapatawaran at pabuyang sukdulan. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Tunay na ang mga lalaking nagpapakaaba kay Allāh sa pagtalima at ang mga babaing nagpapakaaba, ang mga lalaking tagapatotoo kay Allāh at ang mga babaing tagapatotoo, ang mga lalaking tagatalima kay Allāh at ang mga babaing tagatalima, ang mga lalaking tapat at ang mga babaing tapat sa pananampalataya nila at salita nila, ang mga lalaking nagtitiis at ang mga babaing nagtitiis sa mga pagtalima at pag-iwas sa mga pagsuway at sa sandali ng pagsubok, ang mga lalaking nagkakawanggawa at ang mga babaing nagkakawanggawa ng mga yaman nila ayon sa tungkulin at pagkukusa, ang mga lalaking nag-aayuno at ang mga babaing nag-aayuno para kay Allāh ayon sa tungkulin at pagkukusa, ang mga lalaking nag-iingat at ang mga babaing nag-iingat sa mga ari nila sa pamamagitan ng pagtatakip nito laban sa pagkakalantad sa harapan ng sinumang hindi ipinahihintulot ang pagtingin sa mga ito at sa pamamagitan ng paglayo sa kahalayan ng pangangalunya at mga paunang gawain nito, at ang mga lalaking nag-aalaala at ang mga babaing nag-aalaala kay Allāh nang madalas sa mga puso nila at mga dila nang madalas nang palihim at lantaran ay naghanda si Allāh para sa kanila ng kapatawaran mula sa Kanya para sa mga pagkakasala nila at naghanda Siya para sa kanila ng gantimpalang sukdulan sa Araw ng Pagbangon. Ito ay ang paraiso.
AlAhzab 33:35
Loading the recitation…
0:00