ٱدۡعُوهُمۡ لِأٓبَآئِهِمۡ هُوَ أَقۡسَطُ عِندَ ٱللَّهِۚ فَإِن لَّمۡ تَعۡلَمُوٓاْ ءَابَآءَهُمۡ فَإِخۡوَٰنُكُمۡ فِي ٱلدِّينِ وَمَوَٰلِيكُمۡۚ وَلَيۡسَ عَلَيۡكُمۡ جُنَاحࣱ فِيمَآ أَخۡطَأۡتُم بِهِۦ وَلَٰكِن مَّا تَعَمَّدَتۡ قُلُوبُكُمۡۚ وَكَانَ ٱللَّهُ غَفُورࣰا رَّحِيمًا ٥
AlAhzab 33:5
سورة الأحزاب
Medinan
Verse: 5/73
Page 418
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Tumawag kayo sa kanila sa [pangalan ng] mga ama nila; ito ay higit na makatarungan sa ganang kay Allāh. Ngunit kung hindi kayo nakaaalam sa mga ama nila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon at mga tinatangkilik ninyo. Walang maisisisi sa inyo sa anumang nagkamali kayo subalit [masisisi kayo] sa anumang sinadya ng mga puso ninyo. Laging si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Mag-ugnay kayo sa inaangkin ninyo na sila ay mga anak ninyo sa mga ama nilang tunay sapagkat ang pag-uugnay sa kanila sa mga ito ay ang katarungan sa ganang kay Allāh. Ngunit kung hindi kayo nakaaalam para sa kanila ng mga ama na maiuugnay ninyo sila sa mga ito, sila ay mga kapatid ninyo sa relihiyon at mga pinalaya ninyo mula sa pagkaalipin. Kaya tawagin ninyo ang bawat isa sa kanila na "O kapatid" at "O pinsan." Walang kasalanan sa inyo kapag nagkamali ang isa sa inyo at nag-ugnay siya sa isang inaangking anak sa nag-aangking ama nito, subalit nagkakasala kayo sa pagsasadya ng pagsambit niyon. Laging si Allāh ay Mapagpatawad para sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila yayamang hindi Siya nanisi sa kanila dahil sa kamalian.
AlAhzab 33:5
Loading the recitation…
0:00