ٱلۡحَمۡدُ لِلَّهِ ٱلَّذِي خَلَقَ ٱلسَّمَٰوَٰتِ وَٱلۡأَرۡضَ وَجَعَلَ ٱلظُّلُمَٰتِ وَٱلنُّورَۖ ثُمَّ ٱلَّذِينَ كَفَرُواْ بِرَبِّهِمۡ يَعۡدِلُونَ ١
Al-An'am 6:1
سورة الأنعام
Meccan
Verse: 1/165
Page 128
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang papuri ay ukol kay Allāh na lumikha ng mga langit at lupa, at gumawa sa mga kadiliman at liwanag. Pagkatapos ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila ay nagpapantay [sa Kanya sa iba]. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ang paglalarawan sa pamamagitan ng kalubusang walang pagtatakda at ang pagbubunyi sa pamamagitan ng mga kagandahang pinakamataas kalakip ng pag-ibig ay napagtibay kay Allāh na lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa nang walang pagkakatulad na nauna, at lumikha sa gabi at maghapon na nagsusunuran. Ang gabi ay nilikha Niya para sa dilim at ang maghapon ay nilikha Niya para sa liwanag. Sa kabila nito, ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapantay sa Kanya sa iba pa sa Kanya at gumagawa para sa Kanya ng katambal.
Al-An'am 6:1
Loading the recitation…
0:00