مَن جَآءَ بِٱلۡحَسَنَةِ فَلَهُۥ عَشۡرُ أَمۡثَالِهَاۖ وَمَن جَآءَ بِٱلسَّيِّئَةِ فَلَا يُجۡزَىٰٓ إِلَّا مِثۡلَهَا وَهُمۡ لَا يُظۡلَمُونَ ١٦٠
Al-An'am 6:160
سورة الأنعام
Meccan
Verse: 160/165
Page 150
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Ang sinumang nagdala ng gawang maganda ay ukol sa kanya ang sampung tulad nito at ang sinumang nagdala ng gawang masagwa ay hindi siya gagantihan maliban ng [ganti sa] tulad nito; at sila ay hindi gagawan ng kawalang-katarungan. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Ang sinumang kabilang sa mga mananampalataya na nagdala sa Araw ng Pagbangon ng isang gawang maganda ay pag-iibayuhin ito ni Allāh para sa kanya na maging sampung tulad nito at ang sinumang nagdala ng isang gawang masagwa ay hindi siya parurusahan maliban ng tulad nito sa gaan at bigat, hindi higit kaysa rito. Sila, sa Araw ng Pagbangon, ay hindi gagawan ng kawalang-katarungan sa pamamagitan ng pagbawas sa gantimpala sa mga magandang gawa ni ng pagdagdag sa parusa sa mga masagwang gawa.
Al-An'am 6:160
Loading the recitation…
0:00