أَلَمۡ يَرَوۡاْ كَمۡ أَهۡلَكۡنَا مِن قَبۡلِهِم مِّن قَرۡنࣲ مَّكَّنَّٰهُمۡ فِي ٱلۡأَرۡضِ مَا لَمۡ نُمَكِّن لَّكُمۡ وَأَرۡسَلۡنَا ٱلسَّمَآءَ عَلَيۡهِم مِّدۡرَارࣰا وَجَعَلۡنَا ٱلۡأَنۡهَٰرَ تَجۡرِي مِن تَحۡتِهِمۡ فَأَهۡلَكۡنَٰهُم بِذُنُوبِهِمۡ وَأَنشَأۡنَا مِنۢ بَعۡدِهِمۡ قَرۡنًا ءَاخَرِينَ ٦
Al-An'am 6:6
سورة الأنعام
Meccan
Verse: 6/165
Page 128
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi ba nila napag-alaman kung ilan ang nilipol Namin mula sa bago sa kanila na salinlahing pinatatag Namin sa lupa ng hindi pagkapatatag Namin sa inyo? Pinadalhan Namin ang langit sa ibabaw nila ng masaganang ulan at ginawa Namin ang mga ilog na dumadaloy mula sa ilalim nila, ngunit nilipol Namin sila dahil sa mga pagkakasala nila, at nagpasimula Kami mula sa matapos sa kanila ng salinlahing iba. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Hindi ba nalalaman nitong mga tumatangging sumampalataya ang kalakaran ni Allāh sa paglipol sa mga kalipunang lumalabag sa katarungan? Lumipol na si Allāh bago nila ng maraming kalipunan na binigyan Niya ng mga kaparaanan ng lakas at pananatili sa lupa na hindi Niya ibinigay sa mga tumatangging sumampalatayang ito. Nagpababa Siya sa kanila ng mga ulang nagkasunud-sunod. Nagpadaloy si Allāh sa kanila ng mga ilog na dumadaloy mula sa ilalim ng mga tahanan nila ngunit sinuway nila Siya kaya nilipol Niya sila dahil sa nagawa nilang mga pagsuway. Lumikha Siya matapos nila ng iba pang mga kalipunan.
Al-An'am 6:6
Loading the recitation…
0:00