قُلۡ مَن يُنَجِّيكُم مِّن ظُلُمَٰتِ ٱلۡبَرِّ وَٱلۡبَحۡرِ تَدۡعُونَهُۥ تَضَرُّعࣰا وَخُفۡيَةࣰ لَّئِنۡ أَنجَىٰنَا مِنۡ هَٰذِهِۦ لَنَكُونَنَّ مِنَ ٱلشَّٰكِرِينَ ٦٣
Al-An'am 6:63
سورة الأنعام
Meccan
Verse: 63/165
Page 135
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Sabihin mo: "Sino ang nagliligtas sa inyo mula sa mga kadiliman ng katihan at karagatan, na dumadalangin kayo sa Kanya dala ng pagpapakumbaba at palihim, [na nagsasabi]: "Talagang kung iniligtas Niya kami mula rito ay talaga sanang kami nga ay magiging kabilang sa mga nagpapasalamat." -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Sabihin mo, O Sugo, sa mga nagtatambal na ito: "Sino ang sasagip sa inyo at magpapaligtas sa inyo mula sa mga kapahamakang nakatatagpo ninyo sa mga kadiliman ng katihan at karagatan, na dumadalangin kayo sa Kanya - tanging sa Kanya - habang mga nagpapakaaba na nagpapakababa nang palihim at hayagan, [na nagsasabi]: "Talagang kung pinaligtas kami ng Panginoon namin mula sa mga kapahamakang ito ay talaga sanang kami nga ay magiging kabilang sa mga nagpapasalamat sa mga biyaya Niya sa amin sa pamamagitan ng hindi namin pagsamba sa iba sa Kanya."
Al-An'am 6:63
Loading the recitation…
0:00