فَٱسۡتَجَبۡنَا لَهُۥ وَوَهَبۡنَا لَهُۥ يَحۡيَىٰ وَأَصۡلَحۡنَا لَهُۥ زَوۡجَهُۥٓۚ إِنَّهُمۡ كَانُواْ يُسَٰرِعُونَ فِي ٱلۡخَيۡرَٰتِ وَيَدۡعُونَنَا رَغَبࣰا وَرَهَبࣰاۖ وَكَانُواْ لَنَا خَٰشِعِينَ ٩٠
Al-Anbiya' 21:90
سورة الأنبياء
Meccan
Verse: 90/112
Page 329
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Kaya tumugon Kami sa kanya. Ipinagkaloob Namin sa kanya si Juan at pinagaling Namin para sa kanya ang maybahay niya. Tunay na sila ay nagmamadali noon sa mga kabutihan, dumadalangin sa Amin nang may pagmimithi at pangingilabot, at laging sila sa Amin ay mga tagapagpakumbaba. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Kaya sumagot Kami sa kanya. Ibinigay Namin sa kanya si Juan bilang anak at pinagaling Namin para sa kanya ang maybahay niya kaya ito ay naging nanganganak matapos na hindi dati nanganganak. Tunay na sina Zacarias, ang maybahay niya, at ang anak niya ay nagmamadali noon sa paggawa ng mga kabutihan, dumadalangin sa Amin noon habang nagmimithi sa taglay Naming gantimpala at nangangamba sa taglay Naming parusa, at laging sila sa Amin ay mga tagapagsumamo.
Al-Anbiya' 21:90
Loading the recitation…
0:00