فَلَمۡ تَقۡتُلُوهُمۡ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ قَتَلَهُمۡۚ وَمَا رَمَيۡتَ إِذۡ رَمَيۡتَ وَلَٰكِنَّ ٱللَّهَ رَمَىٰ وَلِيُبۡلِيَ ٱلۡمُؤۡمِنِينَ مِنۡهُ بَلَآءً حَسَنًاۚ إِنَّ ٱللَّهَ سَمِيعٌ عَلِيمࣱ ١٧
Al-Anfal 8:17
سورة الأنفال
Medinan
Verse: 17/75
Page 179
-
Tagalog translation
الترجمة الفلبينية (تجالوج)
Hindi kayo pumatay sa kanila, subalit si Allāh ay pumatay sa kanila. Hindi ka bumato nang bumato ka, subalit si Allāh ay bumato at upang subukin Niya ang mga mananampalataya ng isang magandang pagsubok mula sa Kanya. Tunay na si Allāh ay Madinigin, Maalam. -
Al-Mukhtasar fi Tafsir al-Quran
الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
Translation of an abridged tafsir
Hindi kayo pumatay, O mga mananampalataya, sa Araw ng Badr sa mga tagapagtambal sa pamamagitan ng kapangyarihan ninyo at lakas ninyo subalit si Allāh ay tumulong sa inyo roon. Hindi ka bumato, O Propeta, sa mga tagapagtambal nang bumato ka sa kanila, subalit si Allāh ay ang bumato sa kanila nang ipinarating Niya ang pagbato mo sa kanila at upang subukin Niya ang mga mananampalataya sa pamamagitan ng ibiniyaya Niya sa kanila na pangingibabaw nila sa kaaway nila sa kabila ng taglay nilang kakauntian ng bilang at kasangkapan upang magpasalamat sila sa Kanya. Tunay na si Allāh ay Madinigin sa panalangin ninyo at mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo at anumang nagdudulot ng kapakanan ninyo.
Al-Anfal 8:17
Loading the recitation…
0:00